Ikaw + Ako + Sans Rival + Isang Hapon sa UP

Kumain ako ng sans rival nung isang araw. Binili ko lang siya dun sa bakery sa may Roces. Di sia kasing sarap nun sa UP pero pwede na rin. Naalala mo yun? ‘Di ba eto yung kinain naten sa UP nung huli tayong magkasama? Sa Chocolate Kiss. Sabi mo, di ka pa kumakain buong araw kaya sabi ko ililibre na kita pero ayaw mo k’se sabi mo ang mahal ng presyo nila. Sabi ko, ok lang yun k’se worth it ang serving dun.  Pero ayaw mo talaga. Sabi mo sa may shopping centre na lang.

Kaya sinamahan kita kumain dun sa gilid ng shopping centre, yung mga hilera ng mga tapsilog at mga murang kainan. Di ko alam na may ganun pala sa likuran nun.

Pagkatapos naglakad uli tayo at umupo dun sa bumagsak na puno at saka kinain yung sans rival. Sarap na sarap ka nga. Sulit yung presyo. Di nakakasawa. Parang ikaw. Tamang timpla lang ng tamis. Hindi ka maiinis. (uy, nag-rhyme!)

Buong oras kita pinapanood nun. Bawat buka ng bibig mo. Bawat kilos ng mata. Bawat mannerism. Parang nung kumain tayo ng tetra na fries sa Trinoma. Haha. Medyo nahiya na nga ata ako k’se baka napansin mo. Ayokong pahalata na obsessed na ata ako sayo k’se di ba, I am the cool, I-don’t-give-a-fuck guy.

Pero dead ma na. K’se ang kisig mo sa uniform mo. Yung  crisp white uniform and spotless leather shoes. Ang pogi mo nun. Gusto kitang halikan in public at pagsigawan na “Mahal ko to!” (Ilang beses mo nga’ng nire-remind saken na nasa public tayo, di ba.) Siyempre proud ako k’se future doctor ang boypren ko. Sobrang saya ko nga no’n k’se kasama kita, kahit alam kong hectic ang sked mo, gumawa ka pa rin ng paraan para magkita tayo. Sa sobrang saya ko nga non akala ko sasabog ako. Kung nangyari man yun, hindi buto at dugo ang lalabas pero rainbow glitter at mga lobo. Ganun ako kasaya.

Alam mo yun? Mahirap ipaliwanag, kelangan maramdaman. Corny siguro pero kahit sino namang makaka-relate, maintindihan yun. Para nga akong high school uli, pag nasa meeting sinusulat ko pangalan mo sa papel. Lalagyan pa ng puso. Bwahaha. Napapangiti na lang boss ko.

Di ko na maalala kung ano mga pinagusapan naten non pero ang tanda ko, pinatawa mo ko ng pinatawa.

Tapos tumingin ka sa relo mo, sabi mo kelangan mo ng umuwi pero gusto mo muna ng float. Tapos walang basurahan kaya nilagay ko na lang sa backpack yung mga box nung sans rival.

So bumalik tayo ng Philcoa. Ininis mo pako k’se akala ko sa McDo ka bibili. Sabi mo, “Baket may float ba sa McDo?”

Pagkabili mo akala ko maguusap pa tayo ng konti. Pero yun pala maghihiwalay na tayo. Nabitin ako. Sobra. Bigla ka na lang nagpaalam at sumakay ng FX. Medyo nabigla ako. Pero sige, masaya na rin ako.

Umuwi ako at may masamang pakiramdam na di na uli kita makikita o makakasama ng ganun. Pero di ko pinansin.

Tapos nag-text ka. Tinanong mo kung nag-enjoy bako. Sabi ko, “Oo naman. Basta ikaw kasama ko.”

Half-truth yun babe k’se bitin talaga ako. Gusto sana kitang makasama hanggang mag-sunset. Pero sige alam kong may mga responsibilities ka. At madami na nga tayong plano pag sembreak mo di ba. Sabi mo nga sana pumayag ermats mo na di ka sumama sa utol mo sa Singapore. Sabi mo wala ka namang gagawin dun. Wala kang kasama kse may sariling lakad utol mo. Kung may budget lang ako nun, di ako magdadalawang isip na samahan ka. Tutal, 2005 pa huling overseas travel ko. Nakakamiss din.

Tapos naalala ko yung boxes nasa backpack ko pa pala. Baka langgamin. Next week pa pick up ng mga basura na plastic at papel kaya nilagay ko muna sa freezer para hindi langgamin yung basurahan.

Natulog akong may masamang kutob pero masaya. Hinahanda ko lang ang sarili ko k’se exam week mo na at hindi kita pwedeng istorbohin.

Tapos palagi na lang tayo nagkwekwentuhan sa phone. Bago ako matulog at ikaw bago mag-aral.

Mahina signal dito sa apartment kaya palagi ako nandun sa may gate. Siguro nakokornihan mga katabi kong unit saken k’se halata saken na masaya ako at kinikilig. Pag nakikita nga ako ni Zyrene o ni Ate Bea, siguro iniisip nila, “Ang landeee.” Haha.

Nung una k’se nahihiya pakong marinig nila yung pag-I love you ko pero nung Wednesday night na yun, wala akong pake.

Pati si Brent – o Brian o kung ano man mas madalas niyang gamitin na pangalan – at saka yung girlfriend nia – si Cecille ( o kung ano man spelling ng pangalan niya) – napalingon.

Gusto ko na nga ding sabihin sayo nun na binili kita ng birthday gift. Naka-mark na yun sa calendar ko, November 02. Monday. Busy siya sa finals pero ite-text ko pa rin ng Happy Birthday, I love you, and all that shit.

Pero gusto ko din surprise. Pagkatapos ng exams mo, di ba balak mo mag-overnight dito. Nag-request ka pa na ipagluto kita ng pasta. Nakaisip na nga ako ng ihahanda non: mexican style pasta. Tapos excited ako ibigay yung regalo ko sayo k’se sigurado akong magugustuhan mo yun.

Anyways, sabi mo kabado ka sa pedia mo pero sinigurado ko sayo na papasa ka.  (Di ba sabi ko nga matalino ka k’se nagustuhan mo ko.)  at isa pa, sabi mo, di ka na tuloy sa Singapore pero gusto pa rin ng ermats mo na makaka-overseas travel ka soon para magka-tatak ang passport mo.

(Again, kung may extra money nga lang ako nun. Inaya na kita sa Thailand.)

Kaya lalo ako na-excite sa sembreak mo. One month kaya yun. Sabi mo, overnight ka dito at panoorin naten yung stand-up ni Margret Cho. Saka Love Actually. Sabi mo malamang, di madali sayo makalabas k’se bukod sa walang allowance, mahirap mag-dahilan ke ermats, pero sabi mo, gagawa ka ng way.

Kampante ako. Tapos nag-goodbye na tayo.

Tapos, nung sumunod na araw, nagtatapos ako ng research paper ng nagtext ka. Sabi mo wag na kitang i-message kahit saan. Akala ko nagbibiro ka. Hindi kaagad nag-sink in saken.

Nabasa ng ermats mo usapan naten sa FB. Boom.

Nung nagusap lang tayo saka ko narealize na totoo ang mga nangyayari. Isang iglap lang. Isang mistake. Mawawala ka.

Sabi mo galit na galit ermats mo at itatakwil ka at palalayasin pag di mo tinigilan. Sabi mo wala kang magagawa dahil pinagaaral ka lang ng magulang mo. Kelangan mo sumunod. Matagal mo ng gustong maging doktor at sino nga ba ako para pigilan ka dun.

Naiinis ako sayo nun. Baket di mo kaya tayong ipaglaban? Pero naintindihan ko din dahil di naman kita kayang pag-aralin. Di kita kayang buhayin. Pero handa akong gumawa ng mga paraan kung sakaling maging ganon ang sitwasyon. Hindi ako mayaman, pero maabalidad naman ako kahit papano. Kahit magdikdik ako ng asin, basta magkasama lang tayo. Kaya yun, nagmakaawa ako. Kahit kelan di ko pa ginawa yun kahit kangino. Nagmakaawa ako kse pakiramdam ko ikaw na yung last chance ko.

Gustong gusto kong pumunta sa inyo, lumuhod, at magmakaawa sayo at ermats mo at sa erpats mo kung sakaling umuwi. Kung gusto ng mga magulang mo na ipagigib kayo ng tubig o ipagsibak ng kahoy o maglakad mula Bicol hanggang Isabela, handa ako.

Halos dalawang oras din tayo nagusap ng pinutol mo na tawag. At tuluyan ng nag-sink in. Hindi ko na madidinig boses mo. Hindi ko na madidinig pagtawag mo ng babe. Hindi ko na madidinig ang wit mo. Hindi ako makapaniwala k’se eto yung mga istorya na nangyayari lang sa ibang tao. Hindi saken. Eto yung mga tipong mababasa mo lang sa mga advice column ni Dr Holmes o maririnig mo sa kwento ng mga barkada pero di mo ine-expect na mangyayari sayo. Ganun pala pakiramdam na binawi lahat sayo. Ayoko mang sabihin to, pero yes, na-Ms Columbia ako.

Sumugod ako sa barkada ko, umiyak. Pag-uwi ko, nagpaload ako. Andun din si Brent/Bryan sa may naglo-load. Bitbit ung daschund nia. Pati sa kanya gusto kong umiyak at magkwento. Gusto ko siyang tanungin kung baket unfair ang buhay. Kung malaki ba kita ng isang celebrity. Kung baket siya straight. Parang tanga lang. Pero siguro napansin din nia na swollen mata ko. At siguro inisip niya ring tanungin kung ano problema. Pero ewan. Pareho lang kaming nagtitigan ng ilang minutes. In awkward silence.

Sa mga sumunod na gabi, hirap akong makatulog. Nakakatulog lang ako pag naririnig kong kumakanta si Brent/Bryan. Nakakahiya mang sabihin pero comforting yung pagkanta niya. Kahit di relevant yung kinakanta nia sa nararamdaman ko.

Tapos fast forward ngayon. Lumipat na sila Brent. Wala na rin ata si Zyrene. At Babe, nakalimutan ko na tunog ng boses mo. Nakalimutan ko na rin amoy ng pabango mo. Pero di ko pa nakakalimutan yung maigsing panahon na magkasama tayo. Sana nga merong gamot na pwedeng burahin yung memory na yun. K’se masakit pa din.

Kangina akala ko recovered nako. Pero nakita ko mga old messages mo dun sa social network na nagkakakilala tayo. Bumalik bigla lahat. Kaya eto ako parang tanga, umiiyak, nagsusulat ng mahabang post na malamang wala namang pakialam ang mga makakabasa. At di ko alam kung mababasa mo. Siguro iisipin pa nila, tsk, drama king.

Naalala mo yun? Yung gabi na nagkita tayo sa Family Mart. Yung first time kitang hinalikan. Yung kwentuhan naten sa 7-11. Nakwento mo mga ex mo. Ang sabi mo, sobrang na-obsess ka sa ex mo na palagi kang umiinom at pag nalasing ka sinisigaw mo pa pangalan nia. At ginawa mo lahat para makuha uli at mabawi sia.

Putang ina. Ba’t di mo ba magawa yun saken? Baket di mo magawa na puntahan uli dito sa apartment? Baket para kang nakakita ng pulis at tinapon mo ako na parang isang pakete ng shabu? Putang ina, worth it ako. Ba’t di mo makita yun? Madali ba akong iwanan dahil hindi ako si James Reid? O dahil hindi ako lumalangoy sa salapi? Di ko alam ang mga isasagot mo.

Wala na akong magagawa. Pagbali-baligtarin man ang mundo, mukhang naka-move on ka na at wala ako sa mga plano mo talaga. Baka nga hindi mo na naalala yung kumain tayo ng sans rival sa UP. Nung nakaupo tayo sa bumagsak na puno. Baka di mo na rin naalala yung fries. Baka di mo na rin naalala ung mga pinalano naten. Hindi yung mga plano na gagawin naten dapat nung sembreak mo pero yung mga long term plans. Yung mga bagay na sinabi at pinaniwala ako na meron palang soul mate. Andito ako para ipaalala sayo yun. Oo alam ko, saglit lang ako sa buhay mo at tanggap ko na madali naman talaga akong kalimutan at bitawan. Tanggap ko na ang love affair naten ay hindi pelikula ni John Lloyd at Bea.

Sa gabi, nabibingi ako sa katahimikan k’se wala nakong naririnig na kumakanta sa third floor. Instead, naririnig ko ang paglipas ng oras at bawat segundo na wala ka. Naririnig ko yung tibok ng puso ko, na para siang andun sa loob ng tenga ko. Tapos dun, natatanong ko bigla sa sarili ko kung masaya ka ba. Kung may iba ka na ba. Kung tanggap mo na ba kung sino at ano ka at kung kaya mo na bang ipaglaban kung sino at ano ka.

Kung sakaling mabasa mo ‘to, gusto man kitang murahin mula ulo hanggang paa, hindi ko magawa. Mahal pa rin kita, Mel Royo. Sana nga hindi na.

(Kangina binuksan ko yung freezer. Andun pa pala yung mga boxes.)

 

Advertisements

Published by

qgeneration

Hello, my name is Mad and my life is shit and piss.

2 thoughts on “Ikaw + Ako + Sans Rival + Isang Hapon sa UP”

  1. I’ve read your previous post so I know the story already, but goddamn I still gasped as I read that FB discvoery part. Beautifully worded. Seems like youre not doing very fine, but hope soon you will.

    pero teka, sa’n pa kayo bumili ng float??

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s